Ex- Palawan provincial administrator, 5 pa, kinasuhan na

SINAMPAHAN na ng kasong murder ang dating provincial administrator na iniuugnay sa pagpatay sa  broadcaster na si Gerardo Ortega sa lalawigan ng Palawan.

Ayon kay  Puerto Princesa City Police Chief  Supt. Rolando Amurao,  kabilang sa sinampahan ng kaso ay ang nahuling gunman na si Marlon de Camata, alyas Marvin Alcaraz, tubong Pagbilao, Quezon, ng Brgy. Waling-Waling, Taguig City, 31; ang may-ari ng baril na ginamit sa pagpatay na si former provincial administrator Romeo Seratubias, Dennis Aranas; Armando Noel Loria at Jun-Jun Bomar.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy  ang manhunt operations ng mga awtoridad laban kay Aranas na itinuro namang kasama umano ni Camata sa pagsasagawa ng krimen.

Ang baril na ginamit umano ni De Camata na cal. .45 automatic pistol ay na-trace na pag-aari ni Atty. Romeo Seratubias na dating provincial administrator sa ilalim noon ni dating Palawan Gov. Joel Reyes.

Naniniwala naman si Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn na may kinalaman sa politika ang pagpatay sa brodkaster. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply