Ex-provincial administrator, sangkot sa pagpatay sa broadcaster sa Palawan

NASASANGKOT   sa kasong pagpatay sa radio broadcaster ang isang dating provincial administrator ng Palawan na si Atty. Romeo Seratubias.

Ayon kay Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn, natuklasan sa isinagawang interogasyon ng awtoridad sa suspek na si Marlon Dicamata, ng Taguig City, ang baril na ginamit sa pagpatay sa radio commentator na si Dr. Garry Ortega, ng RMN-DWAR Palawan ay pag-aari ni Atty. Seratubias.

Malakas ang paniniwala ni Hagedorn na politika ang posibleng motibo sa pagpatay kay Ortega dahil sa pagiging aktibo nito sa panghahayag sa mga anomalya ng mga mining operation sa Palawan.

Kaungnay nito, hinihintay naman ng mga awtoridad ang ibibigay na paliwanag ni Seratubias sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa krimen.

Samantala kinondena naman ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) ang pagpatay sa isa mediamen sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang kasong pagpatay sa commentator ay  ika-142nd miyembro ng media na napapaslang mula pa noong 1986.

Magugunita na si Ortega ay napatay nang barilin sa sa ulo habang nasa loob ng isang ukay-ukay sa Brgy. San Pedro Palawan City. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply