Ex-US NCAA cager lalaro sa Tigers

SA nakatakdang pagdating ni Titus Ivory na kinomisyon ng Powerade Tigers bilang bagong import sa PBA Commissioner’s Cup ay inaasahan ang bagong lakas na madaragdag sa Coca Cola franchise sa pagbubukas ng liga sa huling bahagi ng Pebrero 2011.

Si Ivory na nakapaglaro sa Penn State sa US NCAA ay may taas na 6’4 at angkin ang kredensiyal na 15.8 scoring points, 4.5 assists at 4.4 rebounds sa pinakahuli niyang pagsabak sa collegiate team.

Nakalahok pa si Ivory sa 2001 NBA summer league sa Golden State Warriors bukod sa ilang invitational games sa Belgium, Italy, Lithuania at Germany. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply