Expose ni Rabusa isusumite sa DOJ

NAKATAKDANG isumite sa Department of Justice ni dating budget officer George Rabusa ngayong araw ang sinumpaang salaysay kaugnay sa pagbubunyag ng kurapsyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP)  upang mabigyang proteksyon din ang kanyang buhay.

Nakalaman sa kanyang affidavit ang detalye na maliban kay dating Defense Sec. Angelo Reyes at AFP Comptroller Carlos Garcia, dawit din sa pagbubulgar nito sina dating AFP comptroller Jacinto Ligot, dating AFP chief of staff Diomedio Villanueva at Roy Cimatu.

Samantala, hindi pa naman kinukumpirma ni Rabusa kung madadawit ang pangalan ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa isusumiteng salaysay. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply