Extradition ni Alfaro malabo anang DOJ chief

HINDI pa maaaring i-extradite o sapilitang mapabalik sa bansa ang star witness ng Vizconde Massacre na si Jessica Alfaro dahil wala pa namang kasong kriminal na inihahain laban sa kanya, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Secretaray Leila de Lima, hindi maaaring i-extradite ng pamahalaan si Alfaro dahil wala naman itong kasong kinahaharap sa bansa.

“The Philippine government cannot yet move for the extradition of Alfaro. We can’t extradite her, because extradition presupposes the existence of criminal proceedings. I’m not aware of criminal proceedings involving  Alfaro,” pahayag ni De Lima.

Si Alfaro ay napabalitang umalis na sa kanyang dating tinitirhan sa Canada upang magtago. Nauna rito ay sinabi niyang hindi na ito muling tetestigo sa Vizconde case.

Matatandaang nagsasagawa ngayon ng reinvestigation ang DOJ ukol sa kaso matapos itong iutos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.     Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply