Extradition ni Alfaro, pinag-iisipan ng DOJ

PINAG-IISIPAN ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad ng pag-extradite kay Jessica Alfaro, star witness sa 1991 Vizconde massacre.

Ayon kay DOJ Secretary Leila de Lima, ang pagbabalik ni Alfaro sa bansa ay maaaring makatulong sa reimbestigasyong isasagawa ng gobyerno matapos na ma-acquit ang grupo nina Hubert Webb kaugnay ng nasabing krimen.

“That (extradition) is an option — if she would be unwilling to help in the reinvestigation,” ani De Lima nitong Linggo, matapos mapaulat na di na nais pa ni Alfaro na bumalik mula Canada upang magtestify na muli.

Sa desisyong pumabor kina Webb, sinabi ng Korte Suprema na si Alfaro ay isang “substitute witness whose testimonies were inherently inconsistent.”

Ayon kay De Lima, may ilang grupong kumukumbinse kay Alfaro na magbalik at muling ihayag ang testimonya niyang binitawan noon sa korte na nagdiin kina Webb.

“There are ongoing consolidated efforts by several personalities to convince Jessica to come back and retell her story,” anang DOJ chief.

“It’s really better if she could stand by her story,” dagdag ni De Lima.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply