Fans ni Piolo Pascual, ayaw kay KC Concepcion

WA KEBER ang mga fans sa isyung posibleng hindi na mag-asawa si Piolo Pascual dahil nasa middle 30s na ito pero wala pa itong ipinahayag na syota.  Kahit malakas ang balita na lihim ang relasyon nito kay KC Concepcion ay maraming ayaw maniwala.  Marami din ang hindi boto sa aktres para sa kanilang idolo dahil napag-alaman nilang mas gusto ng aktres ang kanyang trabaho kaysa pakipagrelasyon.

Isa sa kanila ang nagsabing mas gusto nilang manatiling binata ang aktor at sila na lang ang magmamahal dito.  May iba naman na umaasang nasa tamang panahon ay makahanap din ito ng tamang babaing papakasalan.

Naganap ang usapang ito sa ginanap na 10th anniversary ng Solid Friends of Piolo Pascual sa Max Resto, Quezon Avenue, Quezon City sa pamumuno ni Ms Weng Villalobos.  Ayon sa kanya, lumusot siya sa butas ng karayom para matuloy lamang ang nasabing pagtitipon dahil talagang naghirap siya para mapa-oo lamang nito ang mga taong concerned sa posibleng pagdalo ng aktor.

Inamin nitong hirap siyang kumuha ng schedule sa aktor kahit may kasunduan na sila ni Piolo at in writing pa ito na willing itong dumalo.  Sa una ay 20 minutes lang ang puwedeng ibigay sa kanila dahil marami pa umanong gagawin ang aktor.  Nakakalokah naman, ganito na ba kahirap makuha ng mga tagahanga ang isang oras ng kanyang araw na Linggo and to think, minsan lang ito sa isang buong taon.

Bakit ba pinagkakaitan ng pagpapahalaga ang mga tagahanga kung tutuusin ay sila ang malaking factor kung bakit tinao ang mga show ng aktor.  Sino ba ang nagtitili sa kanyang mall show, premiere night at nagpataas ng rating ng mga teleserye ng aktor, hindi ba silang mga tagahanga?

Dapat nga, magpasalamat ang sino mang nakapaligid kay Piolo dahil may natitirang mga tagahanga na sumusuporta sa sa kanya.  Lalo na ngayon, patanda ang aktor at maraming puwedeng pumalit  sa kanyang trono.

Kung totoo ang hula, sa taong ito ay hihina ang ningning ng kasikatan ng aktor pero mapapanatili lamang niya ito kung tatrabahuin niya ito at siyempre, ang mga natitirang nitong tagahanga ang kakailanganin nito.

Dapat aware ang road manager ni Piolo na hindi friendly dahil nakasimangot ito at talagang hindi puwedeng mag-extend ng oras si Piolo sa kanyang mga fans.  Siguro, napansin nila na kalahati na lamang ng function room ang ginamit ng club dahil maraming mga mayamang tagahanga ang ayaw na sumuporta lalo na ‘yung nasa ibang bansa.

Dati-rati ang daming nagpapadala ng suporta sa anumang events ng club pero ngayon, umamin si Ms Villalobos, na iisa lang ang nakuha nilang sponsor.  Pati ang mga produkto na ini-indorso ng aktor ay walang nag-responde sa kanilang prize solicitation kaya talagang iginapang ang pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo ng fans club.

***********

Walang TV crew from TV Patrol, only from Walang Tulugan ni Kuya Germs na nag-conduct ng interview sa aktor at ipapalabas ito sa nasabing programa in connection sa That’s Entertainment Reunion.

Ayon sa Master Showman, PJ Pascual ang gamit na pangalan ng aktor noon at talagang hindi siya napipilit kumanta at umarte dahil sobrang mahiyain ito.  Ang tanging partisipasyon nito ay sa production numbers kung saan siya nagbubuhat at sumasayaw.

Kaya naman, hindi talaga huminto si Kuya Germs hanggang hindi napa-oo si Piolo na dumalo sa nasabing reunion.

“Hindi mabubuo ang reunion ng That’s Entertainment this year kung hindi dadaluhan ito ni Piolo,” pakonsensya nito sa aktor.  “Ang hindi ninyo alam ay si Piolo ang una kung binigyan ng Youth Achievement Award sa Famas,” dagdag pa nito.

HUNK ACTOR, MAY ITINATAGONG NON-SHOWBIZ GF

Nalokah ako, talagang nakakalokah itong bagong bersyon na nalaman namin tungkol sa isang hunk actor na balitang may lihim karelasyon sa isang sikat na aktres.  Hula lang ito ng hindi lamang ordinaryong manghuhula kundi, isa rin itong ispiritista na ayon sa kanya, hindi siya naniniwala sa bading isyu ng aktor unless, makaharap niya ito at doon niya kompirmahing berde ang dugo nito.

Aniya, may lihim na karelasyon ang aktor na isang non-showbiz at isa pa din daw itong modelo.  Inililihim daw ito dahil sa pagli-link sa kanya ng isang kilalang aktres at dagdag pa, kinumpirma nitong pang-front lang daw ang kanilang sweetness.

At kaya naman daw nito inililihim ang karelasyong non-showbiz girl ay dahil gusto nitong patunayan sa sarili at sa mga taong malalapit sa kanya na lalaki siya. Pero ang nakakalokah, magbilang daw tayo ng ilang buwan dahil mag-come out daw ang aktor na ito.  Ano kaya ang i-open niya? Alex Datu

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply