Fare hike sa LRT at MRT inalmahan na LFS

INILATAG  na ng League of Filipino Students ang kanilang signature drive picket upang ipahayag ang kanilang pagtutol  sa fare hikes sa
Light at Metro Rail Transit systems.

Ayon kay LFS President Terry Ridon, layunin  ng kanilang signature campaigns na maipaparating ang mensahe sa pamahalaan na huwag
nang ituloy ang fare increase.

Samantala, binatikos naman ng militant labor group Kilusang Mayo Uno ang Malacañang dahil sa pag-apruba sa MRT fare hike at ang
pagpapatuloy ng toll hikes sa North at South Luzon Expressways.

Ayon kay KMU Sec. Gen. Roger Soluta, sa halip na dinggin ng Aquino administration ang hirap ng taumbayan sa itinaas sa pagtaas ng
toll fee sa mga expressway ay dinagdagan pa ito ng fare hike sa MRT at LRT.

Sa susunod na buwan, inaasahang ipatutupad na ang dagdag pasahe sa MRT at LRT.

Mangangalap muli ng lagda sa lahat ng MRT station ang  LFS upang tutulan ang nakaambang pagtaas ng pasahe sa LRT at MRT.

Ayon kay Teri Ridon, pangulo ng LFS, sisimulan nila ito sa Biyernes at target nilang makaipon ng limang libong lagda sa mga mananakay ng MRT at LRT. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply