FEJODAP iginiit ang fare hike

UMAASA ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na sa pagpasok  ng taong 2011 ay mapagbibigyan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang kahilingan na dagdag singil sa pamasahe sa mga pangpasaherong jeep.

Ayon sa pahayag ni FEJODAP President Zeny Maranan, hindi na kayang pasanin ng mga tsuper ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produkto ng petrolyo na isa sa pinakamalaking problema sa kanilang kita.

Aniya, kakarampot na lamang ang naiuuwi ng mga driver sa kanilang pamilya dahil sa hindi maawat-awat na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Nilinaw naman ni Maranan, na ang hinihirit nilang karagdagang P2.50 ay hindi pa naaabrubahan ng LTFRB dahil dadaan pa umano ito sa masusing mag-aaral at konsultasyon bago ipatupad.

Magugunita na noong nakaraang buwan ay nakiusap ang nasabing ahensya sa ibat-ibang transport group na huwag munang magtaas ng pamasahe bilang pag-bibigay pugay na rin sa Pasko at Bagong taon.

Dagdag pa ni Maranan, na sa kabila ng pagpayag ng FEJODAP na ipagpaliban ang pagtataas pamasahe, mabigat din sa loob ng transport sector na pasanin ng mga mananakay ang problema ngunit wala silang pagpipilian dahil sa huli ang kabuhayan rin ng mga tsuper ang nalulubog sa kahirapan at pagtitiis. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply