Passenger vessel nasunog sa Indonesia, 17 patay

TINATAYANG 17 pasahero ang namatay habang marami pa ang nasugatan makaraang masunog ang isang passenger vessel sa Banten, Indonesia.

Ayon kay Bambang Ervan, spokesperson ng Transportation Ministry sa Indonesia, 100 pasahero na ang na-rescue ngunit 103 katao pa ang na-trap sa barko.

Nabatid na bandang 3:00 am nang masunog ang naturang barko makaraang lisanin ang Merak port sa Java island papuntang Sumatra.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog sa sigarilyo na itinapon ng driver ng isa sa mga truck na karga ng naturang barko.

Higit 240 katao umano ang pasahero ng barko nang ito ay masunog at umaabot ngayon sa pitong rescue vessels ang nagtutulungan para ma-rescue ang mga pasaherong nakulong. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply