Fil-foreign players gustong sumali sa Azkals

DUMAGSA ang mga Fil-Foreigners na nagta-tryout para mapabilang sa Philippine Football Team o Azkals matapos magpakita ng malaking interes ang mga Pinoy sa larong football.

Ayon kay Dan Palami, 12 Fil-foreign players na nag-try-out sa kanila ang kanilang tinanggihan.

Dagdag pa ni Palami na ibinigay nila ang slots sa mga local players na nagpakita ng galing at determinasyon na mapabilang sa national team.

Ayon pa kay Palami na ang mga players pa rin na naglaro sa AFF Suzuki Cup ang bubuo sa national team ngunit kukuha pa rin umano sila ng mga bagong player na makatutulong sa kanila lalo na sa opensa.

Nasa Frankfurt, Germany ngayon si Palami upang makipag-ugnayan sa German Football Association at maghanap na rin ng mga Fil-foreign players na naglalaro na sa first division ng European league na pwedeng maging miyembro ng national team.

May tatlong Fil-German at dalawang Fil-Danish football players umano na kung maglalaro sa Phl football team ay makatutulong ng malaki upang makapasok tayo sa qualifying match ng World Cup.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply