First time: Countdown ng Chinese New Year idadaos sa Rizal park

INIHAYAG  ng Filipino-Chinese Community sa bansa na masasaksihan na ng publiko ang pinakamalaki, pinakamagarbo at  kauna-unahang selebrasyon ng countdown ng Chinese New year na idadaos sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila sa February 2, 2011.

Makikiisa sa pagdiriwang ang Filipino–Chinese organization at association upang salubungin  ang  “Year of the Rabbit” kabilang ang Association of Filipino Chinese Volunteer Fire Brigades, Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industries (FFCCCI), Chinese Filipino Business Club (CFBC), at Association of Chinese  Filipino School in the Philippines (AFSP)  sa kooperasyon ng major sponsor na Department of Tourism (DOT), National Parks Development Committee (NPDC) at ang lokal na pamahalaang Maynila.

Ayon kay Ruben Co, Chairman ng Federation of Filipino Chinese Alumni Associations, Inc.(CFFCAAI), magiging highlights ng pagdiriwang ng mga Tsinoy ng Chinese New Year ang pagpapakita at pagbabahagi ng ibat ibang uri ng kultura at kaugalian ng Chinese sa pamamagitan ng pagsasayaw gaya ng Lion dance at Dragon dance, sa pananamit, pagkain gaya ng tikoy  at paniniwala  sa Feng Shui o Chinese Astrology.

Sinabi naman ni NPDC Director Juliet Villegas,na bahagi ng makasaysayang pagdiriwang ng mga Tsinoy sa pinakamalaking open air park sa Asia- ang Rizal Park kung saan idaraos ang kauna-unahang Chinese New Yaer Countdown na tinataya namang dadaluhan ng mahigit 50,000 katao.

Layon ng samahang Filipino-Chinese na maibalik ang dating imahe ng bansa sa kabila ng  naganap na hostage crisis noong Agosto 23, nakaraang taon.

Bukod dito, ang nasabing pagdiriwang ay upang ipakita at higit pang palakasin ang pagkakaisa ng Filipino-Chinese community sa pagsuporta sa pamahalaan.

Sisimulan ang pagdiriwang ng Chinese New Year  Countdown ng 6:00 ng hapon hanggang 12:00 ng gabi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply