Flagdown rate hike, sa mga taxi lang na may resibo

TANGING ang mga taxi na may resibo, sticker at naka-calibrate na metro ang maaaring maningil ng P40 flagdown rate at P3.50 patak sa susunod na 300 metro simula sa Lunes.

Ipinaliwanag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Nelson Laluces na kapag may sticker na sa harap ng taxi partikular sa kaliwang bahagi nito, nangangahulugan na na-calibrate at sumailalim na ito sa resealing.

Simula Enero 24, tanging mga taxi na may plakang nagtatapos sa 1 at 6 ang isasailalim sa resealing at calibration na inaasahan ni Laluces na tatagal ng isang buwan o hanggang ikatlong linggo pa ng Pebrero.

Pinayuhan naman ni Laluces ang publiko na ireklamo ang mga abusadong drayber na agad magtataas ng singil kahit di pa nakasusunod sa ipinatutupad na regulasyon ng LTFRB sa pamamagitan ng pagtawag o pag-text sa LTFRB hotlines 0921-448-77-77 at 426-25-15 o sa Department of Transportation and Communication (DOTC) hotline 78-90. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply