Para iwas aksidente: Footbridge gamitin!

NANAWAGAN ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na ugaliing tumawid sa tamang tawiran at gamitin ang ginawang footbridge.

Ayon kay MMDA Francis Tolentino, tumataas na ang bilang ng mga naaksidente at nasasagasan dahil sa kawalan ng disiplina ng publiko sa tamang pagtawid.

Inihalintulad pa ni Tolentio ang Commonwealth Avenue na tinaguriang killer highway kaya marami sa commuters ang nasasagasaan na nagreresulta sa kamatayan dahil sa hindi paggamit sa footbridge.

Kasabay nito, inilatag na ng  MMDA ang mas mahigpit na traffic regulation sa Commonwealth Ave, Quezon City.

Sinabi ni MMDA spokesperson Tina Velasco na maaga pa lamang ay naka-poste na sa Commonwealth area ang kanilang mga tauhan upang i-assess ang bagong traffic regulation.

Kabilang sa bagong traffic regulation ng MMDA ang 24/7 na pagpapatupad ng 60/kph na speed limit habang nasa right outer lane ang mga pampasaherong bus at jeep. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply