Foreigner tumalon sa Park Avenue mansion patay

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang babaeng foreigner makaraang tumalon sa mataas na gusali ng Park Avenue Mansion, Park Aveneu st., Pasay City, Martes ng hapon.

Ang bangkay ng hindi pa nakilalang biktima ay natagpuan ng isang bystander habang nakabaluktot ang katawan, nakasubsob ang mukha sa lupa at basag ang bungo.

Ang biktima ay nagtagpuan 1:30 ng hapon sa isang eskinita katabi ng mataas na gusali na nakasuot ng kulay pink na t-shirt, maong short pants,  kulay itim na jacket, mahaba ang buhok at maputi kutis.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad kung ang biktima ay itinulak, aksidenteng nahulog mula sa ika-22 palapag na gusali o kung sadyang nagpakamatay.

Sa kasalukuyan wala pang sinumang kamag-anak o kaibigan mula sa Masion ang kumikila sa biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply