Forest ranger, pinaslang sa Surigao

MAKARAANG ipag-utos ni Pangulong Noynoy Aquino ang tuluyang pagbabawal sa iligal na pagtotroso sa buong bansa, isang government forest rangers at environment workers ang binaril at napatay habang nagbabantay ng kumpiskadong troso sa Bislig, Surigao del Sur.

Nabatid sa Department of Environment and Natural Resources Region 13, 9:00 ng gabi nitong Linggo nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng tatlong hindi kilalang  gunmen ang forest guard na  Jacinto Dragas, 54, sa Bislig, Surigao del Sur habang nagbabantay ng kumpiskadong troso.

Agad isinugod si Dragas sa ospital subalit idineklarang dead–on arrival dahil sa apat na tama ng bala ng .45 kalibre sa katawan.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na binabantayan ng biktima ang mga kumpiskadong troso nang basta na lamang pumasok ang tatlong suspek at walang awang pinaulanan ng bala ang una.

Ang nasabing kumpiskadong mga troso ay nakatakdang inspeksyunin sana ni PNoy na umaabot sa milyong piso ang halaga.

Base sa report,nakumpiska ng grupo ni Dragas sa checkpoint ag mga troso sa Barangay Tabon, Bislig nitong January 11, 2011.

Si Dragas, ang pinakahuling pinaslang na miyembro ng DENR habang  nasa line of duty mula 1990.

Bunsod nito,agad nagbigay ng direktiba si Environment Secretary Ramon Paje, para sa malawakang pagsugpo at paghuli sa illegal loggers sa buong bansa. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply