Francisco bagong WBA Flyweight champ

TULUYAN na umanong isusuko ni Mexican World Boxing Association (WBA) flyweight champion Hugo Cazares ang kanyang korona kay interim champ Drian Francisco.

Natuklasan na si Cazares ay aakyat na sa bantamweight kaya tiyak nang kay Francisco mapupunta ang nasabing 115-pounds belt dahilan ang huli ang interim.

Naniniwala naman ang mga handlers ng Pinoy champ na umiiwas lamang si Cazares sa kanilang alaga kaya ito aakyat ng timbang.

“It looks like Cazares is evading Drian. Our friends from the WBA have told us that Cazares will relinquish his title and move up to the bantamweight division,” ayon sa kampo ni Francisco. “There’s nothing on paper yet, but they’ve told us that Drian can be named as the WBA’s world super flyweight champion as early as next week.”

Sakaling tuluyan nang isuko ni Cazares ang kanyang titulo, balak ng kampo ng Pinoy slugger na hamunin para sa isang unification match si newly crowned International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Christian Mijares (41-6-2, 18 KOs) ng Mexico.

Matatandaan na si Francisco na walang talo sa 20 fights taglay ang 16 knockouts at mayroong isang draw, ay dinurog si Duangpetch Kokietgym ng Thailand via KO sa mismong lugar nito. Gilbert Perdez
\

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply