FVR, Ex-AFP chief, nakinabang sa ‘pabaon’

KINUMPIRMA ni dating AFP budget officer, Lt. Col. George Rebusa na hindi lamang si dating AFP chief of staff Angelo Reyes ang nakinabang sa “pabaon system” sa military, kundi ang lahat ng nanilbihan sa ahensiya.

Bagama’t hindi tahasang binanggit ni Rebusa ang pangalan ni dating Pangulong Fidel Ramos, tiniyak naman niyang nakinabang ang “lahat ng naging chief of staff” ng AFP” base sa kuwento ng mga dating budget officer na kanyang pinalitan.

Kaya hiniling ni Rebusa sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman na imbestigahan ang kanyang ibinunyag sa Senado kamakailan upang masawata ang pandarambong at katiwalian sa AFP.

Ayon Rebusa, nawalan siya ng trabaho sa ganitong sistema kaya nais lamang niyang  maibangon ang dignidad ng kanyang pamilya na nawala dahil sa mga pangyayari.

Nauna nang sinabi ni Atty. Bonifacio Alentajan na pulitika ang dahilan sa paglutang ni Rabusa, dahil ginamit ito nina Sen. Jinggoy Estrada at dating Pangulong Joseph Estrada upang gumanti kay Reyes na bumaligtad noon sa tinaguriang EDSA Dos.

Nanindigan si Rabusa, kusang loob niya ang ginawa niyang pagbubunyag sa Senate Blue Ribbon Committee ng P50 million na ibinigay kay Reyes bilang “pabaon.”

Aniya, tanging sa grupo ni dating B/Gen. Danilo Lim siya nakipag-ugnayan noong inilabas ng Palasyo ang Proclamation No. 50 na nagbibigay amnestiya sa lahat ng rebeldeng sundalo. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply