FVR, ex-AFP chiefs, pipigain sa “pabaon”

Gustong paimbestigahan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Senate Blue Ribbon ang lahat ng dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kabilang si dating Pangulong Fidel V. Ramos hinggil sa nabulgar na P50M “pabaon” kay dating AFP chief of staff Angelo Reyes.

Ayon kay Escudero, dapat maipatawag ng Blue Ribbon ang lahat ng naging chief of staff ng AFP tulad ni Ramos na nagsilbing hepe ng militar sa panahon ng yumaong Pangulong Cory Aquino upang matukoy kung ginagawa ang “pabaon” nang matagal na panahon.

“I urge the blue ribbon committee to seriously look into this matter. It should include former chiefs of the AFP because if this is really an ongoing tradition, it must be nipped in the bud,” ayon kay Escudero.

Ipinanawagan ito kahapon ni Escudero matapos ibulgar ni retiradong Lt. Col. George Rabusa na tumanggap ng P50 milyong “pabaon” si Reyes matapos itong manilbihan bilang AFP chief of staff noong 2001. Maliban dito, tumatanggap din si Reyes ng buwanang P5 milyon sa loob ng 20 buwang panunungkulan bilang chief of staff.

Inamin ni Rebusa sa Senado na siya mismo ang naghatid ng salapi na nagkakahalaga ng P50 milyon sa tahanan ni Reyes sa loob ng Camp Aguinaldao noong 2001, nang magretiro ang opisyal. Kasama ni Rebusa sa paghahatid ng pera si dating AFP Comptroller, Lt. Gen. Jacinto Ligot.

“It is an outright mockery of justice that while soldiers who really fight hard die in the field, their officials swim in cash while cooling their heels inside their air-conditioned offices,” dagdag niya.

Gustong imbestigahan din ni Escudero, chairman ng Senate defense and security committee, ang iba pang opisyal na sangkot sa pagbabawas ng pondo upang makaipon ng slush fund para ipamahagi sa matataas na opisyal at iba pang indibiduwal.

Ayon kay Rebusa, umaabot sa bilyong piso ang naiipon mula sa “provision for command directed activities (PCDA) fund at “savings” mula sa personnel services budget ng militar.

“These former officers have a lot to answer for because if what Col. Rabusa is saying is true, that is not only graft and corruption that is definitely technical malversation,” giit ng senador.

Aniya, kung nasa isang affidavit o under oath ang testimonya ni Rebusa, maaari nang sampahan ng kasong plunder si Reyes. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply