Gamit sa paggawa ng shabu, durog sa PDEA

TATLONG milyong halaga ng mga gamit at kemikal sa paggawa ng shabu ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kaninang umaga sa bodega nito sa Punturin, Valenzuela City.

Ang pagwasak sa mga laboratory equipments at kemikal na nakumpiska ng PDEA sa iba’t ibang buy-bust operations nito ay pinangunahan ni Undersecretary Jose S. Gutierrez, director general ng  PDEA kasama ang ilang ahensya ng pamahalaan at organisasyon tulad ng Department of Justice, Dangerous Drug Board (DDB), Bureau of Customs (BoC), PDEA-DDB Press Corp at Confederation of Community Policing System.

Ang daang libong litro ng samu’t saring kemikal na gamit sa paggawa ng shabu tulad Toluene Methanol, Hydrocholic Acid, Nitric Acid, Chlorofom and Ethyl Acetate ay nakumpiska mula sa mga isinagawang operasyon ng pinagsanib na  pwersa ng PDEA, NBI, at BoC sa ibat ibang panig ng bansa. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply