Gamot at pagkain ng mga preso kinakatkong

ANG pondo para sa mga gamot at pagkaing nakalaan sa mga preso sa Metro Manila ay dapat lang na busisiin nina DILG Sec. Jesse Robredo at  BJMP Dir. Rosendo Dial. Ito ang panawagan ng wardens ng BJMP.

Sa tuwing nag-aabnormal ang panahon, inaasahan na natin na darami na naman ang mga magkakasakit lalo na sa mga city jail sa Kamaynilaan na maraming preso ang tinatamaan ng ibat-ibang sakit sa kulungan. Ang nakapagtataka,  malaki naman ang budget ng BJMP para sa medisina ng libo-libong preso sa Metro Manila pero tila walang dumarating sa mga piitan.

Kung totoo ito, baka isang kaso na naman ito ng ghost delivery  na bagay na dapat na busisiin nina Sec. Robredo at BJMP Director Rosendo Dial. Siguro naman, mayroong internal affairs service  ang DILG na puwedeng tumingin o mag-audit man lang sa records ng BJMP-NCR kung saan napabalitang isang mataas na opisyal ang nagma-money-obra ng mga supply sa pagkain at gamot.

Aba! Kahit naman mga halang ang kaluluwa ng mga preso, mga tao din naman sila na may pagkakataon pang magbago. Kaya nga noong nakaraang eleksyon, pinayagan silang makaboto dahil intact pa naman ang ilan sa kanilang karapatan.

Sec. Robredo at Gen. Dial, pakiimbestigahan ninyo nga kung may katotohanan ang balitang yan. Sakaling mapatunayang mayroon ngang nagpakana ng ghost delivery ng gamot at pagkain dapat ninyo itong kastiguin alinsunod sa “Tuwid na Landas ni P-Noy!!”

PROSTI  LUMALALA LALO SA QC DISCO

Tuloy pa rin ang pagpapalabas ng bold show at prostitution sa Queen’s Castle Disco sa Quezon Avenue.

Hindi pa rin umaaksyon ang tanggapan ni QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista kaugnay sa kalaswaan rito

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply