GANTI (Ika-60 labas)

NATAKOT si Mr. Lagdameo sa babala ni Bogart.

“Kung ordinaryong mga kriminal lang ang lulusob sa bahay ko, hindi ko sila poproblemahin. Kahit sa PNP at AFP ay magagawa kong humingi ng tulong. Pero kung kampon ng demonyo, hindi ko alam kung paano sila lalabanan,” sagot ng matandang lalaki na nasa tinig ang pag-aalaala.

“Huwag kang mag-alaala, Mr. Lagdameo. Gagawin namin ni Helen ang aming magagawa para matulungan ka!” pangako naman ni Bogart.

“Wala akong ibang inaasahan na makakatulong sa akin kundi kayo lamang. Huwag sana ninyo akong pababayaan,” hiling ng matandang lalaki.

Sa puntong ito na natapos ang kanilang pag-uusap.

Labanan ng kapangyarihan ang nakatakdang maganap sa gabing iyon.

Si Aling Dolores versus Bogart at Helen.

Nagkukulong sa kanyang kuwarto sa mansiyon ni Mr. Alegria ang matandang mangkukulam at naghihintay na lamang ng tamang oras para isagawa ang kanyang plano.

Magkasama namang naglalamay sina Bogart at Helen sa bahayna kinaroroonan.

Naghahanda ng depensa sa malagim na binabalak ni Aling Dolores laban kay Mr. Lagdameo.

Wala namang pakialam si Mr. Alegria sa labanan ng magkabilang panig.

Iba ang kanyang pinagkakaabalahan.

Nalulungkot siya at gusto niyang maglibang.

Nagpakuha siya ng dalawang maganda, sexy at batambatang babae.

Simula nang siya ay mabiyudo, hindi na siya nag-asawa para kahit ano’ng oras, makakapili siya ng babae na gustong makatalik.

Dinala niya ang dalawang magandang GRO sa loob ng kanyang kuwarto.

Dito niya niyayang uminom ang dalawang magandang kapartner upang pagkatapos ay magpakasawa sila sa seks.

Sanay na ang dalawang babae kung paano paiinitin ang kanilang kapareha.

Kilala kasi  nila si Mr. Alegria kung gaano kagalante …

Basta’t nasiyahan siya sa serbisyo ng kinuhang kapartner sa kama, bukod sa bayad ay nagbibigay pa siya ng malaking tip.

Nilampong nila nang husto si Mr. Alegria …

Tuwang-tuwa naman ang lalaki …

At halinhinang naglunoy  siya sa kandungan  ng dalawang babae.

Samantala, dumating na ang oras na pinakahihintay ni Aling Dolores.

Nagsagawa na siya ng ritwal …

May hawak siyang mailap na daga …

Panay ang piglas nito …

Gustong mangagat pero hindi magawa dahil sa maayos na pagkakahawak sa kanya ng babae

Umusal-usal ng mga kataga ang mangkukulam habang nakikipagtitigan sa mailap na hayop.

Maya-maya’y hinipan niya ang daga …

Kataka-takang biglang umamo ang nasabing hayop hanggang sa bitiwan siya ni  Aling Dolores.

Nakatingin sa mangkukulam na parang naghihintay ng utos.

Naglabas ang una ng larawan ni Mr. Lagdameo at ipinakita sa daga na kontrolado na ng kanyang kapangyarihan.

“Siya ang misyon mong patayin. Tumawag ka ng mga kasama at puntahan ninyo ang lalaking ito. Dahan-dahan ninyo siyang ngatngatin. Ipadama ninyo sa kanya kung gaano kahirap at kasakit ang mamatay nang dahan-dahan,” utos ni Aling Dolores sa daga.

Matapos makuha ang utos ng mangkukulam, mabilis na umalis  na ang daga.

Naiwang parang baliw na humahalakhak si Aling Dolores.

Tuloy-tuloy naman sa labas ang daga na nasa ilalim na ng  kapangyarihan ng mangkukulam …

Habang tumatakbo, panay ang huni nito …

At sa bawag paghuni nito, may mga dagang naglitawan mula kung saan-saan …

Tumugon sa kanyang panawagan.

Parami sila nang parami …

Naging milyon …

Hanggang sa hindi na mabilang.

Takot na takot na hindi malaman ng mga tao kung paano iiwas sa laksa-laksang daga na kanilang nakasalubong. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply