Garnet I lalarga sa pista ng Sta. Ana

ILALARGA na ngayong Linggo ang 2011 Philracom Garnet I 1st leg ng Imported/Local Challenge race na gaganapin sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang event ay lalahukan ng limang matitikas na pangkarerang kabayo ng bansa kung saan ang magwawagi ay tatanggap ng P300,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Sina Next Big Thing at coupled entries Juggling Act at Indy Hay ang napipisil ng mga karera tipster na pang primera subalit ayon kay horse trainer Nestor Manalang ay anybody’s race ang laban.

“Kahit liyamado hindi nakasisiguro sa laban na ito dahil pinaghandaan talaga ang event na ito, para sa akin mahirap mamili dito sa laban,” patungkol ni Manalang sa nasabing tampok na karera kung saan ay 1,600 meter race ang distansya.

Si Manalang ang naghahanda kay Next Big Thing na rerendahan naman ni star jockey Jonathan Basco Hernandez.

Ang ibang kalahok ay sina Fierce Fighter na gagabayan ni many time Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year awardee Patty Ramos Dilema at Mr. Diamond na gagabayan ni class A rider John B. Cordero.

May nakalaan din na P112,500 sa second placer habang P62,500 at P25,000 ang tatanggapin ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply