Garnet II ikakasa sa Sabado

WALONG kabayo ang nominado para kumayog sa magaganap na 2011 Philracom Garnet II sa darating na Sabado sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Ang nasabing tampok na karera ay may nakalaang P300,000 para sa unang kabayong tatawid ng meta na ihahandog ng Philippine Racing Commission.

Ang mga kabayong nominado ay sina Rhea’s Angel, Herran, Constatic, Ella Enjoy, Sha Na Na, Restless Heart Gandang Pinay at Immaculate.

Makatatanggap din ng P122,500 ang second placer habang P62,500 at P25,000 ang makukuha ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

May distansyang 1,600 meter race ang tatakbuhin kung saan ang lahat ng kalahok ay papasan ng 52 kgs.

Nakopo ni Juggling Act ang Garnet I matapos silatin ang top choice na si Next Big Thing noong Linggo ng hapon sa pista ng Sta. Ana.

Ginabayan ni class A rider Fernando “Dunoy” Raquel si Juggling Act upang pagwagian ang karerang pinaghalo ang imported at local horses.

“Sana makasali lahat ng nominado para maganda ang labanan,” saad ni Carlito Ladiana isang karera tiempista. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply