Gastos ng biktima sa EDSA bus bombing, sasagutin ng DSWD

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sasagutin ang lahat ng gastusin ng mga namatay at nasugatan sa pagsabog ng bus nitong Martes sa Buendia Makati City.

Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na ang hakbang ay bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Noynoy Aquino makaraang bisitahin ang mga biktima ng pagsabog sa pagamutan.

Ayon kay Soliman, ang DSWD na ang nag-asikaso sa bangkay ng limang namatay, maging ang mga sugatan na nakaratay pa sa kasalukuyan sa iba’t ibang ospital.

Ipinag-utos din aniya ng Pangulo sa kanya na alamin kung may mga breadwinner sa mga biktima ng pagsabog.

Kung halimbawa aniyang may pinag-aaral ang isa sa mga biktima, tinitiyak ng DSWD na maipagpapatuloy ito dahil pansamantala nilang tutustusan.

Kung hindi man aniya ay maghahanap ng mga sponsor ang DSWD para sa scholarship ng mga ito.

Bukod dito, sinabi ni Soliman na magbibigay din ang kanilang hanay ng critical stress debriefing sa mga biktima. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply