General Bacalzo, paano yang mga scalawag na PNP?

MUKHANG nakatatakot na, mga Bro, ang mga pulis ni General Raul Bacalzo.

May nagpapatayan na sa kanilang hanay, pumapatay pa sila ng iba.

May mga rapist at abusado pa.

Halimbawa ng mga nag-papatayan ang pagbaril ng isang deputy police chief sa kanyang hepe sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Sa Bulacan naman, nang malasing ang isang pulis, bigla na lang namaril ito na ikinamatay ng isang tao.

Sa Manila Police Department, dalawang pulis ang nangrape sa dalawang babaeng kanilang binagansiya noong madaling araw ng Disyembre 31, 2011.

May kapitan din ng pulis na nagwala at nanutok ng armalite sa mga guwardiya ng Ortigas Center, Pasig City makaraan siyang sitahin sa pag-park ng sasakyan sa bawal na lugar.

Sa huli, napabalitang sinalvage ng 11 Quezon City police ang isa sa tatlong Bumbay na kanilang kinidnap sa Pasay City kamakailan. Natagpuan ang bangkay ng biktima sa Abucay, Bataan.

oOo

Kung tutuusin, kaunti lang naman ang bilang ng mga bugok na itlog sa Philippine National Police. Pero nakatatakot isipin na maaaring nasa tabi-tabi lang ang mga ito.

Heto pa ang nakatatakot na sitwasyon.  Kulang-kulang sa 1,000 na pulis ang nahaharap sa summary dismissal. Ibig sabihin nito na ganito karami sa 135 ,000 pulis ang scalawag.

Dalawang batalyon silang kriminal.

Ano sa palagay ninyo ang mangyayari sa bayan kung gumala ang dalawang batalyong gagong pulis sa lahat ng sulok ng mahal kong Pinas?

Nakupo, krimen na katakot-takot ang aasahan natin.

oOo

Ano-ano ba, General Bacalzo ang dapat na gawin sa mga pulis na ganito?

Isang effective na paraan diyan ang paglalagay agad sa rehas na bakal ng mga may klarong nagawang krimen.

Kung nagagawa ito sa mga sibilyan ng mga pulis, dapat gawin din ito sa kanila.

Hindi yung i-floating status lang sila tapos kapag nasampahan na sila ng demanda, eh, naglalaho silang parang bula.

Dapat ding isailalim sa mabilis na pag-uusig ang mga ito sa lahat ng kasong kinakaharap: kriminal, administratibo at sibil.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply