German company kinasuhan ng DoJ

SINAMPAHAN ng Department of Justice (DoJ) ng paglabag sa anti-dummy law ang mga taong sangkot sa paggamit ng front sa Philippine International Air Terminals Corporation (PIATCO) para maisulong ang kontrata ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kabilang sa sinampahan ng kaso  sina: Cheng Yong, Peter Henkel, Jason Cheng, Jefferson Cheng, Rita Bonifer, Samin Aydin, Lilia Cheng, Hachiman Yokoi, Gil Camacho, Katherine Agnes Arnaldo, Joerg Seyffart, Marife Opulencia, Mary Antonnette Manalo, Ricardo Castro Jr., Hans Arthur Vogel, Dietrich Stiller at Noemy Dacanay.

Naniniwala ang Malacañang na makatutulong para maresolba na ang isyu sa NAIA terminal 3 ang kasong isinampa ng DoJ laban sa German firm na Fraport AG at local counterpart nitong Philippine International Air Terminals Co., Inc. (PIATCO).

Ipinagbabawal sa mga foreign companies ang pagmamay-ari ng mahigit ng 40 percent sa shares ng mga negosyo sa bansa.

Ginamit umano ng Fraport na isang German company ang PIATCO para magkaroon ng mas malaking actual investment sa NAIA Terminal 3.

Nabatid sa pag-amin ng Fraport na mas malaki ang kanilang share kaysa sa kanilang Philippine counterpart na tahasang paglabag sa regulasyon ng ating bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply