Gilas giba sa Egyptian Team

MULING napatunayan ang kasabihan sa larangan ng basketball na “height is might” matapos palasapin ng Al-Etihad Alexandria ng Egypt ang PH Smart-Gilas ng nakapanlulumong 85-72 pagkatalo sa 22nd Dubai International Tournament sa Al Ahli Club Gymnasium.

Ang pagkatalo ng Smart-Gilas ay kasunod ng pagwawagi nila laban sa Anibal Zahle team ng Lebanon, 70-52 sa opening day competition. Ginamit ng mga Egyptian ang kanilang taas na nag-aaverage ng 6’5 at laki sa pagpapahirap sa mga Pinoy cagers sa pagtatangka sa goal.

Napatahimik ang 6’10 naturalization candidate na si Matcus Douthit sa 8 points at 9 boards na kalahati sa initial game niya habang ang Al-Etihad Alexandria na kinabibilangan ng mga players ng national team at 2 amerikanong imports ay nagpista sa undergoal.

Ang Al-Etihad na lamang ng 5 puntos bago tinapos ang half time sa 43-33 ay umalagwa sa pagtatapos ng 3rd quarter na abante ng 17 puntos.

Makahaharap ng Smart-Gilas ang Sharjah Club ng United Arab Emirates bukas ng gabi bago isara ang elimination round kontra sa Al Wahda ng Syria sa Martes.

Mababale-wala ang matatag na laro ni JV Casio na pumutok ng 26 puntos kasunod ng 10 points niya noong opening day dahil walang nagawa ang mga shooters ng PH Smart-Gilas laban sa matatangkad na Egyptian cagers. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply