Gilas malabo sa PBA

DAHIL kailangan ng mas maraming exposure para lumakas ang tsansa sa FIBA Asia Men’s Basketball Championship ngayong taon, ang Gilas national developmental team ay kumakatok sa Philippine Basketball Association para maging 11th member ng liga sa susunod na conference.

Subalit hindi pa makapagdedesisyon si PBA commissioner Atty. Chito Salud sa ngayon at sa halip ay itinulak niya ang kaso sa league’s board of governors.

“I can’t make a decision on the request of Samahang Basketbol ng Pilipinas vice chairman Ricky Vargas to allow Smart Gilas to play in the PBA in the second conference at this time, but I really believe that having an 11th member will disrupt the league’s calendar for the 36th season,”  pahayag ni Salud.

“But I would like to make it clear that the SBP’s request has neither been denied nor approved and the board will still have to decide on this.”

Ang Gilas squad ay naglalaro sa Middle East kung saan nanalo na ito sa unang dalawang tune-up games sa Bahrain.

Magandang buena mano ito sa team na magsisimula na ng kanilang kampanya sa 22nd Dubai Invitational Basketball Tournament habang isinusulat ito.GP/RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply