Gins vs Beer sa Best-of-Seven semis

MAS gugustuhin ng Ginebra Gin Kings na magtagal at umabot sa Game 7 ang bakbakan nila ng sister-team San Miguel Beer na sisimulan ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

“I hope it reaches the distance and goes to a game 7,” sinabi ni Gin Kings coach Joseph Uichico. “If we manage to force a game 7, it would give us a 50-50 chance of winning,” dagdag pa ng malumanay na si Uichico.

Ang dalawang pares ng semi-finalist na kapwa galing sa mahabang pahinga kaugnay ng Kapaskuhan ay inaasahang kapwa na sa tamang kondisyon sa nakatakda nilang salpukan.

Huling nakapaglaro ang Beermen noong Disyembre 19 kasunod ng pagpapabagsak sa Air21 Express, 97-75 habang ang Barangay Ginebra ay nakalusot sa Alaska Aces kasunod ng unang kabiguan sa best-of-three, na pumantay sa serye sa 2nd game, 94-76 tungo sa winner take all game 3 quarterfinal na muling bumigo sa Aces ni coach Tim Cone sa iskor na 79-70 sa Christmas showdown.

Sa dalawang unang paghaharap ng Beermen at Gin Kings, dalawang makapigil hiningang 69-68 at 79-78 ang panalong nairehistro ng Beer. Sa kanilang bakbakan sa best-of-seven semis, sasandal ang Barangay Ginebra kina Mark Caguioa, Willie Miller, Mike Cortez at Rudy Hatfield laban kina Dondon Hontiveros, Alex Cabagnot, Jay Washington at Arwind Santos.

Sa unang laro, sisikapin ng B-Meg Derby Ace Llamados na makatabla sa no.1 semi-finalist na Tropang Texters na nakaisa na sa Llamados, 98-91 noong Disyembre 26. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply