Glaiza de Castro ayaw tawaging ‘Angel Locsin junior’

NALOKA kami sa bida ng katatapos na Glazilda na si Glaiza de Castro!  Sobra kaming naartehan sa kanya, nakakairita dahil sa pandededma sa amin kahit kami na mismo ang lumapit sa kanilang table noong may isang event sa National Press Club lately.  Ang bilis ng transformation ng babaing ito, mabuti na lang at nandoon ang kanyang dearest mom na binati kami.

Noong nangangapa lamang ang babaing ito sa showbiz ay mabait naman, accomodating at nakikipagtsika.  Turing nga namin sa kanya ay ‘anak’ kaya naman, paminsan-minsan ay pinagtitripan namin siyang tawaging Angel Locsin Junior.  Ito ‘yung panahong magbibilang muna siya ng maraming taon bago siya nabigyan ng break ng GMA-7.

Ang totoo, ayaw magpahambing ni Glaiza kay Angel Locsin kahit very evident ang pagkakahawig sila to the point na iniba nito ang kanyang hairstyle para hindi mapagkamalang si Angel.  Nirerespeto naman namin ang kanyang kagustuhan na  magkaroon ng sariling identity at ayaw maging ‘copy cat’ ni Angel.  Sabi nga namin, magandang gimik ang pagiging magkahawig nila dahil kasikatan noon ng aktres bilang Darna para madali siyang makilala. Sayang, kung sinunod lang nito ang aming suggestion ay dapat sana siya na ang binigyan agad ng break pero ang ending, si Marian Rivera ang ipinalit kay Angel.

In fairness, magaling na artista sina Angel at Glaiza pero ang tanging lamang ng huli ay mas magaling itong kumanta kaya naging recording artist din ito. Teka, ano kaya ang nangyari sa kanyang CD album na prodyus ng isang Japanese businessman?

Kung bakit na-artehan kami kay Glaiza ay dahil tingnan mo naman ang recent publicity pictures nito na lumabas bago nagwakas ang Glazilda, very Angel Locsin ang hitsura. Sinasadya ba ito o talagang hindi maiwasan dahil magkahawig talaga sila ng bida ng Imortal na tinututukan namin gabi-gabi.

JOEL CRUZ, TALBOG ANG ARTISTS NG 1@11 CONCERT

Kalokah naman ang takbo ng pangyayari dahil hindi sina Gary Valenciano at Charice ang pinag-uusapan sa concert na 1 @ 11 na naganap noong Sabado sa open concert ground ng Mall of Asia, kundi ang producer mismo na si Joel Cruz.  May mga isyu pala sa kanya na ngayon pa lamang lumabas tulad ng nangyari sa guesting nito sa Paparazzi noong Linggo.  May isyu na wanted siya ng FBI sa America na buong ningning naman nitong naipaliwanag.

Ayon sa kanya, posibleng sa immigration nag-originate ang isyu noong isinurender nito ang kanyang pagka-US immigrant pero ayos na ito dahil hawak niya ngayon ay isang multiple entry visa sa USA.

Idinenay din nito ang intrigang na-link siya sa isang guy coming from an all-male singing group at kung hindi kami nagkakamali ay never siyang na-involve daw sa isang taga-showbiz.

************

Napag-usapan din ang dalawa nitong celebrity endorsers na sina Lovi Poe at Ronnie Liang na pakiwari namin ay mas pabor siya kay Ronnie sa puntong mas epektibong endorser dahil mas mabenta ang pabango ng mang-aawit kaysa kay Lovi.  Kaya nga, mainit ngayon ang sagutan nina Joel at manager ng aktres na si Leo Dominguez to the extend na nasabi nila na baduy diumano ang pabangong ini-endorso ng aktres.

Ayon naman kay Joel, pang-masa ang kanyang mga pabango dahil ang kinai-cater nila ay mga taong hindi kayang bumili ng mamahaling pabango pero tiniyak naman nito na mataas ang kalidad ng pabango.

********

Sa Juicy, na-blind item si Ronnie na isang kilalang mang-aawit na ang dating daw ay isang napakalaking personalidad o superstar for that matter.  Talbog pa daw ang isang dignitary dahil mula sa pagpasok nito sa sasakyan, pag-upo at pag-andar ng sasakayan ay nakatimbre daw ito sa isang hindi-tukoy na personalidad. Gan’un din daw sa pagdating sa venue, paglabas sa kotse ay talagang nakatimbre ito. Nalokah nga si Shalala nang malamang si Ronnie pala ang nasa blind item.

Agad pumasok sa aming isipan si Joel Cruz na talagang heavily guarded at talbog ang isang presidente, huh!  Sa kanyang van ay may dalawa o tatlong nakasakay na sekyu at may kasunod pa ‘ata?  Kalokah kaya tinanong namin siya kung mayroon ba siyang death threat o may nagbabalak bang holdapin siya?

Ikinalokah din namin ang tsika ni ‘Nay Cristy Fermin na kung ayaw ni Joel na makilala o malamang siya ang nasa loob ng kotse eh, dapat alisin ang kanyang car plate kung saan nakasulat ang kanyang pangalan.
Oo nga naman, tamaaa!

Natanong din namin siya tungkol sa kanyang lovefile, tulad sa pagde-date, kailangang may guwardya ba ito?  Tawanan ang sumunod na eksena. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply