Goal keeper ng Azkals, iniwan ang PHL team

BUMALIK na sa United Kingdom ang Fil-British na goalkeeper ng Philippine football team na Azkals upang maglaro sa kanyang professional football club sa UK.

Si Neil Etheridge, na naglalaro bilang reserve goal keeper ng Fulham Club, ay nag-iisa at kauna-unahang Fil-British na napabilang sa English premier league.

Dahil sa maglalaro para sa Australia ang main goal keeper ng Fulham na si Mark Schwarzer, inaasahan na mas mabibigyan ng playing time si Etheridge.

Dahil dito nangangamba si Etheridge na baka hindi sya payagan ng management ng Fulham na muling maglaro sa Pilipinas ngayong Pebrero 16 laban sa Mongolia sa Asian Football Confideration (AFC) Challenge Cup na gaganapin sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply