‘Graphic warning’ sa pakete ng sigarilyo, iginiit ng ex-DOH secretaries

PERSONAL na dumulog sa Korte Suprema sina dating Health Secretaries Esperanza Cabral at Jaime Galvez Tan para maghain ng mosyon at isulong ang legalidad ng kautusan ng Department of Health (DOH) na paglalagay ng mga graphic warning o nakalarawang babala sa mga pakete ng sigarilyo.

Sa 39 pahinang petisyon, hiniling nina Health Secretary Francisco Ona, Cabral, Tan at mga dati ring kalihim ng DOH na sina Dr. Francisco Duque, Dr. Alberto Romualdez at Dr. Alfredo Bengzon para payagan silang mag-intervene sa kasong inihain ng isang kumpanya ng sigarilyo laban sa DOH.

May kinalaman iyon sa kinukwestiyong administrative Order number 13 o Grahic Health Information order na ipinalabas ni Cabral noong nakalipas na taon.

Sa nasabing kautusan, pinalalagyan ng mga litrato ng mga masasamang epekto sa kalusugan ng sigarilyo ang mga pakete nito at ipinatitigil ang paggamit ng mga hindi makatotohanang salita tungkol sa sigarilyo.

Umaasa ang DOH at ang mga dati nitong kalihim na papaburan ng Korte Suprema ang kanilang petisyon at ang kinukwestiyong kautusan para mailigtas ang mga kabataan mula sa maraming sakit na maaaring makuha sa paninigarilyo gaya ng kanser at mga sakit sa baga.

Sa pag-aaral ng DOH nuong taong 2007, isa sa bawat limang kabataan na may edad 18 pababa ang naninigarilyo. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply