Gringo kay P-Noy :Maghinay-hinay sa pagpapadala ng testigo sa HK

Pinayuhan ni Sen,. Gregorio Honasan na maghinay-hinay sa pagpapadala ng mga testigo sa Hong Kong hinggil sa madugong hostage crisis sa Luneta noong Agosto 23, 2010 at baka maabuso ang karapatan ng ating mamamayan.

Ayon kay Honasan, dapat na isipin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga testigo at pag-aralan din ang mga tratado at kasunduan ng Pilipinas at China, na nakakasakop sa Hong Kong, hinggil sa ganitong legal na pangyayari.

Namatay din ang  Hostage taker na si Senior Inspector Rolando Mendoza matapos ang halos 12-oras.

Nauna ng inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na pinayagan ng pamahalaan ang kahilingan ng Hong Kong na imbithan ang ilang testigo.

Sinabi ni Honasan na may mga alituntunin hinggil sa pagpapadala ng testigo sa ibang pamahalaan na siyang dapat na isipin ng gobyerno.

Aniya, pwede naman ang deposition na lamang ang gawin ng Department of Justice  lalo pa’t uso naman ang makabagong teknolohiya katulad ng video at hindi na puwede pang umalis sa bansa ang mga testigo.

Inihayag din ni Honasan, chairman ng senate public order and illegal drugs, na hinihintay pa nila ang ikalawang yugto ng ulat ng  Incident Investigation and Review Committee’s (IIRC) bago umusad ang kanilang imbestigasyon. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply