Gringo, nag-inhibit sa plea bargaining probe

NAGPASYA si Sen. Gregorio “Gringo” Honasan II na mag-inhibit sa gagawing imbestigasyon  ng Senate Blue  Ribbon Committee sa kontrobersyal na plea bargain agreement ng Ombudsman kay dating military comptroller at retired Maj. Gen. Carlos Garcia.

Bilang kaklase ni Garcia sa PMA Class 71, sinabi ni Honasan na marapat lang siyang mag-inhibit sa imbestigasyon ng Senado upang mabigyang-laya ang kanyang mga kasamahan na mag-imbestiga sa nasabing kontrobersya.

Ipinaliwanag pa nito na nakapagbigay na siya ng pahayag kontra sa pagpapahaba ng isyu laban kay Garcia kung kaya magkakaroon na ng kulay ang anumang sasabihin niya sa komite sakaling dumalo siya sa nasabing hearing.

“Mag-iinhibit ako dahil nagsalita na ako sa publiko na tapusin ang proseso anuman ang magiging verdict kay Gen. Garcia guilty man o hindi,”paliwanag ng senador.

Noong Disyembre ay sinabi ni Honasan na maaaring sacrificial lamb lamang si Garcia upang mailibre ang mga nakatataas sa kanyang opisyal sa sangkot sa pagnanakaw ng pondo ng AFP.

“I strongly suggest that we refrain from trying this case by publicity,”giit ni Honasan.

Itinulak ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pag-imbestiga sa kontrobersyal na plea bargain agreement, kung saan mabubura ang plunder case ni Garcia pero ibabalik nito sa kaban ng gobyerno ang mahigit kumulang sa P 130 milyon mula sa P 303 na ninakaw umano nito sa AFP.

Ikinalendaryo na ni Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng Blue Ribbon Committee sa huwebes ang unang araw ng pagdinig ng komite sa kontrobersyal na plea bargain agreement. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply