Grupong dumukot, pumatay kay Venzon tunton na ng QCPD

ISANG grupo ang masusing minamatyagan ng Quezon City Police District na posible umanong nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa car dealer na si Venzon Evangelista.

Ayon kay QCPD district director chief supt Benjardi Mantele,kumikilos ang grupo sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Sa ngayon aniya, anggulong carnapping ang nakikita nilang malakas na motibo sa pagpatay kay Evangelista.

Ayon kay Mantele, patuloy pa rin ang kanilang follow-up operations para matunton ang itim na land cruiser ng biktima.

Matatandaang natagpuan ang sunog na bangkay ni Evangelista sa Cabanatuan. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply