Gumahasa at pumugot sa 19-anyos dalaga sumuko

MATAPOS ang ilang araw na pagtatago ay sumuko na sa pulisya ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 19-anyos na dalaga sa Magallanes, Cavite.

Sumuko Sabado ng gabi sa tanggapan ni P/Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Provincial Intelligence Branch, ang suspek na si Cesar Catipon, 34, itinuturong nanghalay at pumatay sa biktimang si Mary Jane dela Vega, 19, ng Sitio Pintong Gubat, nasabing bayan.

Sa pahayag ni Catipon, natutulog siya nang maganap ang pagdukot sa biktima gabi ng January 17 at kinabukasan nang magising ay nakatanggap na siya ng text messages hinggil sa pagpatay sa biktima at siya ang itinuturong suspek.

Dahil sa balitang galit na galit ang pamilya ng biktima ay agad umano siyang nagtago pero nagdesisyong lumantad matapos ang ilang araw dahil sa pangamba sa kanyang buhay.

Bagamat walang kahit na anumang sugat o galos sa katawan na dapat sana’y tinamo ng suspek sa panlalaban ng biktima ay positibo naman siyang itinuro ng dalawang nakasaksi sa krimen na kasama ng biktima nang maganap ang insidente.

Isinailalim na rin sa ilang eksaminasyon si Catipon kabilang na ang semen at DNA testing bilang bahagi ng imbestigasyon.

Sa report, nitong Lunes nang hinarang ang biktima ng salarin, ginahasa bago pinugutan ng ulo. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply