Guro na dinukot sa Sulu, pinalaya na

PINALAYA na ng mga kidnapper ang acting registrar ng Hadji Butu School of Arts and Trade sa Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Police Directorate for Integrated Police Operations C/Supt. Felicisimo Khu, pinakawalan na ng mga kidnapper ang biktima na si Ujun Arabain sa Barangay Piligi sa Bayan ng Indanan.

Nabatid kay Khu na dinukot ng apat na armadong suspek ang biktima noong Linggo ng hapon habang dumadalo sa isang kasalan sa nasabing barangay.

Sinabi pa ni Khu na ang pinsan ng biktima umano na si Aldin Bagadi ang sinasabing utak ng pagdukot dahil na rin sa matagal ng alitan ng dalawa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply