Hatton magbabalik sa Marso

NATUKLASAN kahapon na muli na namang sasampa sa ibabaw ng ring si European welterweight champion Matthew Hatton, kapatid ng isa sa mga biktima ni Manny Pacquiao na si Ricky Hatton.

Tinanggap na umano ni Hatton ang laban niya kay Mexican prospect Saul “Canelo” Alvarez.

Magaganap umano ang laban sa March 5 sa Honda Center sa Anaheim, California.

Sinasabing si Hatton ang second option matapos tumanggi ang mga handlers ni WBA welterweight champion Vyacheslav Senchenko sa offer na $550,000.

Ayon sa ulat, may inihahanda umano ang HBO na card na pinamagatang ‘Boxing After Dark’.

Posible umanong magharap sa card na ito sina Michael Katsidis at Robert Guerrero. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply