Hawks dinagit ang Heat

INIHATID ng Atlanta Hawks tungo sa pagkalugmok sa ika-apat na talo ang Miami Heat matapos magtamo ng 93-89 loss.

Tinalo ng Hawks ang Heat sa sarili nitong bakuran kung saan mistulang nawalan ng siklab  ang kamay ng mga manlalaro nito.

Si Josh Smith ay nakabuslo may 34.7 segundo ang nalalabi sa overtime, habang sina Joe Johnson at Jamal Crawford ay kapwa nakatipa ng tig-19 points.

“This was a tough one,” pag-amin naman ni Heat coach Erik Spoelstra. “No other way to say it. … It was tough to get a real handle and grip on both sides of the floor.”

Samantala, nilugmok din ng Charlotte Bobcats ang Chicago Bulls sa iskor na 83-82.

Si D.J. Augustin ay umiskor ng 15 points habang naka-13 points naman si Gerald Wallace para sa Bobcats.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply