Hawks pinapak ang Pacers

GINAMIT ni Josh Smith ang kanyang galing sa pagsikwat ng 27 points habang si Joe Johnson ay nagdagdag ng 24 points sa panalo ng Atlanta Hawks laban sa Indiana Pacers 108-93.

Ito na ang ika-apat na sunod na panalo ng Hawks at pang-walo naman sa sampung laro nila.

Ang Indiana ay laging naiiwan sa scoring kung saan umabot mula anim hanggang pito ang kanilang hinahabol sa unang bugso pa lamang ng laro hanggang sa matalo sila.

Samantala, tinulungan naman nina Stephen Jackson, D.J. Augustin at Gerald Henderson ang Charlotte Bobcats sa kanilang tagumpay.

Inilampaso nila nang todo ang Washington Wizards sa iskor na 104-89 kung saan ang huli ay wala pang naipapanalong laro sa bawat pagdayo nila.

Kasabay nito, kahit kulang sa tao ay nanalo pa rin ang Milwaukee Bucks laban sa New Jersey Nets sa tulong ni Chris Douglas-Roberts.

Si Douglas-Roberts ay kumana ng 15  sa 24 points niya sa second half at ito ang dahilan kaya nagiba nang maaga ang Nets.

“This was a great, great present for me,” ayon kay Douglas-Roberts. “This was a great present. It couldn’t get any better.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply