Heat nilitson ang Bobcats

MISTULANG nilitson ng Miami Heat ang Charlotte Bobcats matapos maitala ang 96-82 victory kahapon.

Si LeBron James ay kumamada ng 38 points habang si Dwyane Wade ay nagdagdag ng 31.

“To look at us in the Boston game earlier this year, we didn’t know what each other was thinking,” pahayag ni Wade. “Now we’re on the same page. Us not being able to play together is not a conversation anymore. I think we do a good job of playing off each other.”

Samantala, pinasaya ni Hedo Turkoglu ang mga fans ng Orlando Magic matapos nilang gibain via 110-90 win ang Golden State Warriors.

Si Paul Pierce naman ay umiskor ng 23 points para matulungan ang Boston Celtics laban sa Minnesota Timberwolves 96-93 sa tulong na rin ng 12 points ni Kevin Love habang ang New Orleans Hornets ay giniba ang Philadelphia 76ers, 84-77.

Itinala nina David West at Chris Paul sa panig ng Hornets ang kanilang kauna-unahang three-game winning streak.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply