Heat nilitson ang Raptors

DINUROG ng Miami Heat ang Toronto Raptors sa iskor na 120-103 dahilan upang masira ang four-game slide.

Si LeBron James ay tumapos ng 38 points at 11 rebounds para sa Miami habang sina Dwyane Wade at Chris Bosh ay wala dahil sa may iniindang sakit sa katawan.

Samantala, ginamit ni John Wall ang kanyang bagsik sa pag-rally ng Washington Wizards laban sa Boston Celtics, 85-83 habang ang New Orleans Hornets ay nanalo 96-72 laban sa San Antonio Spurs.

Si Kevin Durant naman ay pinangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 101-98 win nito laban sa New York Knicks habang ang Atlanta Hawks ay nakarekober nang giniba ang Charlotte Bobcats, 103-87.

Kasabay nito, giniba rin ng Philadelphia 76ers ang Utah Jazz 96-85 sa kanilang pagtutuos kahapon habang si Dirk Nowitzki ay bumuslo ng huling tira para sa Dallas Mavericks na nagpanalo sa kanila laban sa New Jersey Nets 87-86. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply