Hepe at 4 na parak, patay sa ambush sa Rizal

PATAY ang isang municipal police chief sa Cagayan province, asawa nito, at dalawa pang pulis makaraang tambangan ng mga hinihinalang rebelde sa Rizal, hapon ng Linggo.

Kinilala ni Chief Superintendent Francisco Jose Villaroman, Cagayan Valley regional police director ang mga namatay na sina  Inspector Antonio Rueco, Rizal police chief; asawa nitong si SPO2 Mary Jane Rueco; kapatid na si PO2 Herminio Rueco; PO2 Jose Baquiran; at isang PO1 Joven Jimenez.

Nabatid na sugatan naman sa naturang insidente si PO1 Valiant Bustamante.

Ayon sa pulisya, natagpuan na ang kasama ng mga biktima na si SPO4 Edison Lagua na napaulat na nawawala matapos ang insidente at kasalukuyang iniimbestigahan ng Rizal Police Station.

Ayon pa  sa inisyal na report, papauwi na ang mga biktima nang lagyan ng pampasabog ang kanilang sasakyan ng mga suspek. Matapos may sumabog sa isang parte ng naturang sasakyan, pinaulanan pa ng bala ang mga ito ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA). Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply