Hepe ng MPD, 6 pa sinibak

SINIBAK sa puwesto  ang hepe ng MPD-Station 8 (Sta. Mesa) at anim pang tauhan nito matapos ibunyag ng isang ginang ang tangkang pangongotong sa kanya nang maaresto sa ilegal na droga.

Epektibo kanina ang ang kautusan ni MPD-Director Roberto Rongavilla na matanggal sa MPD-station 8 si P/Supt Orlando Mirando sa isyu ng command responsibility matapos masangkot ang mga tauhan nito sa umano’y extortion.

Anim pang mga tauhan ni Mirando ang ipinasibak kabilang sina PO3 Roy Velano, ang team leader ng Station Anti-Illegal Drugs ng MPD-stn. 8 at iba pang miyembro ng SAIF na sina PO3 Florian Peter Arboleda, Ashley Howard del Alcazar,  PO3 Roderick Hernando, PO1 Edwin dela Cruz at PO1 Nurfaisal Pasang.

Ang pagkakasibak ng hepe at mga tauhan ay bunsod ng sumbong sa isang investigative team ng ABS-CBN noong Enero 21, 2011 ng isang “Gina ” hinggil panghihingi umano ng grupo ni Velano ng P100,000 kapalit ng kalayaan ng anak niya na inaresto dahil sa droga.

Iginiit umano ni Gina  na walang nakuhang droga sa kanyang anak kaya hindi umano siya natakot sa banta ni Velano na masasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 section 5 (drug pushing), kung hindi siya magbibigay ng nasabing halaga.

Hindi man nagtagumpay ang plano ng “XXX” ng ABS-CBN at PNP-CIDG group na isailalim sa entrapment ang grupo ni Velano, nabutasan naman sila kung bakit hindi naka-blotter ang kaso ng anak ni Gina sa kabila ng ilang araw na itong nakapiit at naisailalim na sa inquest proceedings noong Enero 22, (Sabado).

Sinabi ni Rongavilla na irere-assign ang mga nasabing pulis sa ibang presinto habang iniimbestigahan at inihahanda ang kasong administratibo habang si Supt Mirando ay itinalaga sa D1 o Personnel Division ng MPD. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply