QCPD station 10 chief sinibak

BUNSOD ng dalawang magkasunod na kaso ng carnapping Lungsod ng Quezon, sinibak na ni  Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Superintendent Benjardi Mantele ang hepe ng QCPD Station 10.

Ayon kay Mantele, ni-relieve niya si Police Superintendent Constante Agpaoa dahil sunud-sunod na canrapping incident sa naturang lungsod na ikinamatay ng car dealer na si Venson Evangelista at pagtangay din sa sasakyan ng dzMM anchor na si Carl Balita.

Pinag-aaralan pa naman aniya kung anong magiging aksyon sa hepe ng QCPD Station 6 na si Police Superintendent Marcelino Pedrozo kaugnay ng kaso ng isa pang napatay na car dealer na si Emerson Lozano, anak ni Atty. Oliver Lozano.

Nabatid kay Mantele na lumilitaw sa evaluation report na hindi malinaw kung talagang sa Commonwealth Avenue na sakop ng hurisdiksyon ni Pedrozo nangyari ang pagtangay kay Lozano. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply