Hindi ko hinipuan sa boobs si Cherry Pie- Baron

ITINANGGI ni Baron Geisler ang paratang ng beteranang aktres na si Cherry Pie Picache na hinipuan niya ito ng boos.

Naiulat nitong nagdaang araw na dinakma ng batang aktor ang boobs ng aktres sa isang eksena sa kanilang teleserye na “Noah” sa ABS-CBN.

Ayon sa aktor, dahil ang role niya sa nasabing serye ay isang “ungta” o unggoy kaya umaarte lamang siya na parang unggoy.

Sinabi  ni Geisler na dissapointed siya sa nangyari dahil nanay na ang turing siya sa aktres,

” Napaka-imposible na gawin ko yun sa kanya. I’m very dissapointed.” pahayag pa ng aktor.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang aktor sa ganitong klase ng isyu.

Una nang kinasuhan si Baron ng young actress na si Yazmien Kurdi makaraang mabastusan ang aktres sa akto ni Geisler sa isa sa kanilang mga eksena.

Kaugnay nito, nag-plead guilty ang aktor sa arraignment ng kasong isinampa ni Yazmien na 2 counts of acts of lasciviousness at 2 counts of unjust vexation.

Sinabi rin ni Geisler na never siyang magso-sorry sa bagay na hindi niya ginawa. Beniza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply