Holyfield-Williams nauwi sa No Contest

NAUWI sa No Contest ang salpukan sa pagitan ng mga uugod ugod na sikat na boksingerong sina Evander “The Real Deal” Holyfield at challenger Sherman “Tank” Williams dahil sa hindi sinasadyang head butt na naganap sa round 2 sa labang ginanap sa West Virginia.

Hindi na lumaban si Holyfield sa round 3 kaya idineklarang “No Contest” ang laban dahil ang cut ay
sanhi ng accidental head butt at hindi umabot ang laban sa fourth round.

“I’m cut,” Holyfield said after the fight. “He head-butted me. He came down on me with his head. I don’t know about my next fight (March 5 vs. Brian Nielson in Denmark). I’m cut, I’m cut. I’ll give Sherman a rematch.”

Maganda ang naging palitan ng suntok ng dalawang beterano hanggang mangyari ang hindi inaasahang head butt.

Dismayado naman ang mga manunood dahil nasayang lang umano ang kanilang ibinayad sa walang kwentang kinalabasan ng laban.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply