Update: Huling insidente sa MRT isinisi sa lumang equipments

DAHIL sa mga lumang train at equipment ang itinuturong dahilan ng pinakahuling insidenteng nangyari sa Metro Rail Transit (MRT), umaga ng Huwebes, makaraang tumirik ang isang bagon nito na naging resulta ng paglalakad ng mga pasahero sa riles at pagkasugat umano ng walong katao.

Inamin ni MRT General Manager Glicerio Sicat na nangangailangan na ng mas matinding maintenance ang kanilang train at equipment na nago-operate ng 10 taon na.

“Ngayon madalas na, 10 years old ang tren. Kulang tayo sa budget, hindi natin mapalitan ang vehicles ng bago kasi wala tayong budget. Nag-a-attempt kami ng fare hike para magkaroon ng kaunting budget,” ayon kay Sicat  sa isang panayam sa dzBB.

“Pa-age ng pa-age ang vehicles, ang mechanical items ganoon ang nangyari,”  dagdag nito.

Napuwersang maglakad ang mga pasahero ng MRT sa riles ng tren makaraang tumirik ang isang bagon nito sa kalagitnaan ng MRT Cubao at Santolan station.

Ayon pa kay Sicat, naganap ang insidente bandang 9:52 a.m. nang mapansin ng driver ng train 14 na stock up ang break nito.

“Hininto ng piloto ang train at binuksan ang pintuan. Nakita ng tao umusok, ang iba nagtalunan. May isa natapilok, na-sprain, dinala sa Santolan,” dagdag pa nito.

“Everything is normal now, everything is working fine,” pagpapatunay pa nito.

Nilinaw pa ni Sicat  na bukas ang MRT sa mga posibleng imbestigasyong isasagawa ng Quezon City police hinggil sa insidente.

Kaugnay nito, ayon sa paunang ulat ng dzBB, tinatayang walong tao ang nasugatan sa nasabing insidente kung saan nilapatan ng paunang lunas ng Red Cross volunteers sa mismong Santolan station. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply