Ibitin nang patiwarik ang mga kriminal

KAMAY na bakal ang nararapat sa mga kriminal na sumisira sa buhay hindi lang ng mamamayan kundi ng buong bayan.

Sa kaso ni Dr. Gerry Ortega na pinaslang sa Palawan dahil sa kanyang pagsisiwalat ng kabulukan sa pamahalaan, Malampaya natural gas mines at iba pang mga usapin, nasundan na ng mga awtoridad ang pinanggalingan ng kalibre .45 na ginamit sa pamamaslang sa kanya.

Matatandaang pinagbabaril sa ulo at kamay si Ortega makaraan siyang mag-anchor sa DWAR Palawan kamakailan lamang.

Isang mataas na opisyal ng Palawan ang itinuturong may-ari ng baril at konektado umano sa malaking pulitiko sa lalawigan. Kailangang isalang ang lahat sa masusing beripikasyon at kung magtutugma ang lahat, dapat na makasuhan at malitis kaagad ang mga sangkot sa pagpatay kay Dr. Ortega.

oOo

Itong mga nambomba ng isang pampasaherong aircon bus sa EDSA, Makati City ay dapat sigurong arestuhin at ibitin nang patiwarik.

Ang daming inosenteng buhay ang idinamay ng mga tarantadong ito. Ang masama pa, apektado ang buong bansa sa naganap na ito.

Masisira ang imahe ng buong bansa at lalayo ang mga investor kung magpapatuloy ang kalagayang hindi na lang sa Mindanao ginagawa ang pambobomba kundi maging sa Metro Manila na sentro ng mahal kong Pinas.

oOo

Ito namang nagsagawa ng carnapping na may pamamaslang at panununog, mga Bro, ay hindi rin dapat na luwagan.

Dapat na mabilis na sipatin ng mga kinauukulan kung totoong ang magkapatid na Dominguez ang may kagagawan sa nasabing krimen kina Venson Evangelista, Emerson Lozano at Ernani Sensil.

Mabilis at kamay na bakal ang pupuwedeng pairalin sa mga ito kung sila nga ang utak sa krimen.

HINDI MADUGAS SI PACMAN

SIR, magko-comment lang ako dun sa nagsulat diyan sa Remate tungkol kay Pacman.

Ukol sa madugas daw ito sa boksing. Bakit ganun ang sinabi nung writer parang di siya Pilipino.

Sabi kasi nila, takot si Pacman kina Mayweather at Marquez eh alam naman nating si Mayweather ang takot at si Marquez ay maraming demands. Pagsabihan niyo po yang nagsulat, nakapanggigigil siya.   0949824

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply